Pressured
May 7, 2006Nakaka-asar, wala palang autosave tong blog na to. Badtrip. Ulit Type.
Galing ang aking nanay sa Leyte para i-celebrate ang 1st death anniversary ng aking lola (O diba bongga, pati death anniversary cine-celebrate?). Siyempre may kainan, tapos chikahan sa mga kamag-anakan namin sa Leyte. Kumakain kami kanina tapos biglang sinabi ng nanay ko..
“Elise, kukunin kang ninang ng Ate Marian mo..“
Sabi ko naman (Siyempre Pabiro), “Na Naman? Baka hindi na ako maka-pag-asawa niyan!” (Mayroon daw kasing kasabihan na pagmarami kang inaanak sa binyag, tapos bata ka pa, hindi ka na makaka-pag-asawa..hehe).
Naman kasi, mga 6 na ata inaanak ko (kasama na yung upcoming, kung sakali), tapos tipong hindi ko pa memorize kung sino sila. (Huwag Tularan) Ilang taon pa lang ako ngayon, 19. Kamusta naman yun diba? Nasa Kolehiyo palang ako, palighasan na kami ng tatay ko sa paramihan ng inaanak.
Eh anu ba ang criteria sa pagkuha ng Ninang/Ninong? Bukod sa Close mo, eh dapat kukunin mo yung mga hahaligi sayo pag na-tsugi ka na, yung mga bright ang future kumbaga. In other words, yung mga may iibigay sa inaanak tuwing Pasko.
Eh di ibig sabihin, mga tipong 6 na silang nag-iisip na bright ang aking future. Bakit nga naman hindi? Sa La Salle nag-aaral, tapos Engineer pa pag-nagkataon.
Naku kung alam lang nila. Nakakalungkot mang isipin, pero hindi ko parin nakikita ang sarili ko na engineer. Nakakainis lang kasi parang pressured kang maging successful sa buhay…eh malay mo ba kung hindi..
Nanay ko sinasabi sa tatay ko, “Naku yang anak mo, pag-sumweldo, 40,000 buwan-buwan! Bawi na agad yung pinang-tuition mo…” Medyo lang kasi, yung buong pinag-retirohan ng tatay ko, napunta sa tuition ko. So in other words, kailangan maging successful akong enhinyero para maka-bawi man lang sila. Dagdag mo pa yang mga nanay na kinukuha ka sa binyag. Eh muhkang sa lagay ko ngayon, na hindi parin ako ganun ka-compatible sa course ko, at malabo pang manyari na ako’y maging isang succesful engineer.
Nakaka-asar lang, kasi pressured kang mag-succeed. Eh paano kung hindi magkaganun diba? Hayy naku.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







