Landmark by Night
June 12, 2006Hehe, naalala ko lang yung dating title nung Maynila sa Kuko ng Liwanag. Napagtanto (lalim) ko na mas maganda palang mag-blog sa tagalog para maka-relate ng tagalog na experiences. Pero with that aside..
Sino dito naka-punta na ng Landmark? Malamang lahat na kayo naka-punta dun, kasi madalas dun ang bilihan ng mga Filipino Costumes na kailangan pag linggo ng wika nung Grade School..or kung hindi, nakakain na kayo malamang sa food court nun. Pero nakapunta na ba kayo dun ng Gabi? As in pasarado na yung department store.
Ako oo. Malamang, kaya ko nga sinulat tong entry na to eh. Nagaka-yayaan sa Landmark para lustayin yung gift check na natanggap ng nanay ko. Nung tapos na kaming mamili, bumababa kami sa food court, at bumungad samin to..
Kung nagtratrabaho sa Makati ang inyong mga ina, ay malamang naranasan niya narin ito. Para naman sa mga hindi nakaka-alam, pag-pasara na ang Landmark at hindi parin ubos ang tinapay ng French Baker, ay binebenta nila ito ng Half-Price (Kesa nga naman malugi sila diba?). Siyempre, ang mga tao, mahilig sa discounts, lalo na yung mga ganitong tipong discounts.
So hindi sila magkanda-ugaga sa pag-pila. Seryoso, merong isang pamilya, putek dalawa ata silang pumila don para maka-Manny Pacquiao ng mga tinapay.
Para sa mga hindi naniniwala, eto po yung picture ng pila. Siguro na-weweirdohan na sakin yung mga tao kasi nag-pipicture ako dun. Sa totoo lang, ayokong pumila dito, pero sabi ng Nanay at Tatay ko pumila ako. No choice diba?
Pero hindi lahat pwedeng sumugod sa French Baker pag-pasara na ang Landmark. Parang Adjustment sa La Salle, may number din ito. Pang-15 na ata ako..sa bandang dulo na kasi merong mga pamilyang pumipila.
Siyempre First come, First serve ang drama dito. By batch, lima-lima ang pasok. Yung iba antay sa pila. Siyempre nag-scout na ako ng mga tinapay na kukunin. Gusto ko sana French Bread kaso naubos na. Eh di yung pinag-diskitahan ko dun yung isang pirasong Garlic Bread tsaka yung Croissant, kasi curious ako kung anung lasa nun (dahil sa Yakitate! Japan:Mga nagagawa talaga ng Anime). Kaso siyempre may mga nauna. Bad trip yung Pamilyang Intsik na nauna sakin. Putek namakyaw ba naman! Yung isang pirasong Garlic Bread kinuha. Pwede namang isang tao lang yung bibili diba? But no, sinama niya yung buong pamilya niya, at pinakyaw nila lahat ng tinapay dun! I mean, Mauubos ba nila yung ganung karaming tinapay! Hindi naman diba!? Mga tipong naka-4 na tray ata sila, tapos ang dami pang bags na kinuha. Grabe, akala ko wala na kaming mapa-kikinabangan pag-dating namin.
Buti may tinira pa samin!
Hmm, halos na pakyaw na lahat ah..
Eto ang resulta ng pamimili namin. Buti nalang hindi masyadong trip nung intsik yung Croissant, akala ko talaga hindi ako makaka-tikim. Buti rin hindi nila pinakyaw yung Cinnamon bread na trip ni papa (Kami namakyaw! mwahahahahaha). Tapos kumuha nalang ako ng parang French Bread.
All in all, Naka-200+ kami ng tinapay. Mabigat yung plastic namin pa-uwi. In short, kasama kami sa mga Pilipinong patay na patay sa sale. As in kanina talaga, pila yung mga tao para maka-bili ng cheap na tinapay, parang mauubusan. Tsaka bwiset talaga yung intsik na yun, kinuha pa yung Garlic Bread! Actually, Nagmuhka din akong mamamakyaw, kasi nung ako na yung namimili ng tinapay, kung anu-anu yung tinuturo nina Mama. At least hindi ako yung nagsasama ng Pamilya para mamakyaw ng Pagkain!
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.







